Wednesday, April 7, 2010

MIKE DEFENSOR DESPERADO

'Defensor desperado na' - Bistek
(Pilipino Star Ngayon) 
April 08, 2010

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng kandidatong mayor ng Liberal Party sa Quezon City na si Herbert “Bistek” Bautista na isang despe­radong gimik lang sa pulitika ang pani­bagong harassment complaint laban sa kanya na pakana ng kampo ng katunggali niyang si Mike Defensor.
“Mike, anuman ang desperadong hak­bang na gagawin mo o ng iyong mga alipo­res, hindi mo na mababago ang katotoha­nan na tatalunin ka sa landslide ng LP at ang iba pang kandidato ng administrasyon sa Quezon City,” sabi ni Bautista bilang re­­aksyon sa reklamong isinampa sa Om­buds­man ng isang Nicanor Salameda Jr.
Sinabi ni Bautista na ang taong nasa likod ng reklamong ito na kilala sa kahu­sayan sa panlilinlang ay dapat nang hu­minto sa paulit-ulit na luma, gasgas na at maruming taktika.
“Mas dapat ipaliwanag ni Mr. Defensor ang mga iskandalong kinasasangkutan ng pondo ng pamahalaan noong nasa Malacañang pa siya sa halip mangarap ng mga pamamaraan para mapansin. Nasisiyahan naman kami na dinala na ang isyung ito sa tamang lugar,” sabi pa ni Bautista.
Idiniin naman ni Bautista na hindi maha­hadlangan ng reklamo ang pag­pokus niya sa kampanya.
“Wala kaming itinatago kaya hayaan na lang ang mga yan. Hihintayin na lang namin ang desisyon. Ikinalulungkot lang namin na, habang nakasentro ang aming kampanya sa mga programa ng pag-unlad, sinu­subuan naman ng aming mga ka­laban ng basurang pulitika ang mama­mayan ng Quezon City,” sabi pa ni Bautista.
Ganito rin anya ang nangyayari sa mga kandidato ng LP sa buong bansa at lalo na sa Quezon City. Nangunguna pa rin dito sina Bautista at ang kandidato niyang Vice mayor na si Joy Belmonte.
Sa huling survey ng Social Weather Station, nakakuha si Bautista ng 73%. Sumunod sina Defensor, 11%; Annie Rosa Susano, 6%; Ismael Mathay, 4%; Ariel Inton, 3%; at Samonte, 0%.

No comments:

Post a Comment