Friday, April 30, 2010

Bistek ready for more'fabricated stories' and 'dirty tricks'

Bistek ready for more black prop 
by Jess V. Antiporda   PEOPLE'S TONIGHT
Friday, 30 April 2010 19:18

TEN days to go before the elections, Quezon City mayoral bet Herbert “Bistek” Bautista is expecting more black propaganda to come his way.

“I expect these fabricated stories to continue even after elections. They never get tired of making up fantastic stories against me, and they will never stop until they see me crushed and broken,” Bautista said.

He said his opponent is a promoter of “garbage politics” and in desperation paid people to spread lies and misinformation against him.

Bautista said the lies coming from the camp of Mike Defensor backfired and exposed the dirty tricks of the former Malacañang executive.

Last week, women’s partylist group Gabriela and Bayan Muna denied endorsing Defensor. 


Bistek handa sa mga 'fabricated stories'
Ni Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) Updated May 01, 2010

MANILA, Philippines - Sampung araw bago maghalalan, inaasahan na ni Liberal Party mayoralty bet at Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista na mas maraming “fabricated stories” at “black propaganda” ang lalabas laban sa kanya mula sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde.
Sinabi pa nito na kilala ang kanyang kalaban na mahusay magpalabas ng mga imbentong kuwento at maling akusasyon upang siya ay sirain sa publiko gamit ang impluwensya at salapi.
Tila desperado na umano ang kanyang kalaban kaya pilit nitong dinudungisan ang sistema ng pulitika sa siyudad.
Noong nakaraang linggo, kinondena ng women’s partylist group GABRIELA at Bayan Muna ang gina­wang pagsisinungaling ng grupo ni Mike Defensor hinggil sa umano’y pagsuporta ng militanteng grupo sa kanyang kandidatura, habang noong nakaraang Pebrero naman ay naglabas ang kampo nito ng pekeng poll survey na ikinagalit naman ng in­dependent polling firms na Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).

Di apektado sa mapanirang kampanya
by JB Salarzon  (Abante Tonite) May 1, 2010 Saturday
Hindi na nagulat bagkus ay inasahan na ni Libe­ral Party (LP) mayoralty bet at Quezon City Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na marami pang “gawa-gawang istorya” at “black propaganda” ang lalabas laban sa kanya mula sa kanyang katunggali sa eleksyon.
At hindi lang umano sa panahon ng eleksyon inaasahan kundi maging kahit tapos na ang halalan.
“Hindi magsasawa ang mga ‘yan sa kagagawa ng paninira sa akin kasi gusto nila akong makitang apek­tado. Pero hindi ako magpapaapekto,” ani Bautista.
Kilala umano ang kanyang kalaban na mahusay magpalabas ng mga imbentong kuwento at ma­ling akusasyon upang sira­in siya gamit ang salapi at impluwensya.
Halatang desperado na umano ang kanyang kalaban kaya pilit umanong dinudungisan ang sistema ng pulitika sa lungsod.
Ayon pa kay Bautista: “Kilala n’yo naman kung sino ang nasa likod ng black propaganda. My political rival has already resorted to character assassination.”

















   






       

No comments:

Post a Comment