Saturday, May 8, 2010

VOTE-BUYING SA QC

Pangamba ni Bistek, vote-buying sa Quezon City!
Pilipino Star Ngayon
May 08, 2010 
 

MANILA, Philippines - Dalawang araw bago maghalalan, nanga­ ngam­­ba si Liberal Party mayoralty bet at Quezon City vice mayor Herbert ‘Bistek’ M. Bautista hing­gil sa umano’y malawa­kang “vote-buying” na planong gawin ng kan­yang kalaban kung saan may P100-milyong pon­do ang inilaan para sa operasyong ito.
Dahil dito, nanawa­gan si Bautista sa kan­yang mga kababayan, partikular sa mga botante ng Quezon City na hu­wag hayaang manipu­la­hin sila ng sinuman at bayaran ng salapi ang kanilang karapatang bumoto.
“Hindi na dapat tayo nagpapaloko sa mga taong gumagamit ng pera at dahas para la­mang manalo sa elek­syon. Konsensya natin ang kinabukasan ng QC. Our vote is not for sale – and Quezon City is not for sale!,” ayon kay Bautista.
Nasa P500-P1,000 ang sinasabing halaga ng bawat boto kung saan umiikot na sa buong lungsod ang operasyon nito. Dahil dito, nanini­wala si Bistek na ito ang tamang pagkakataon para manindigan ang mga taga-Kyusi para sa kanilang boto.
Napag-alaman din nito na ilang political leaders ng naturang kan­didato ay nagsisimula nang magsagawa ng karahasan at pananakot sa mga supporter at lider ng kanilang grupo.
“Desperado na ang katunggali natin at lanta­ran na ang pagbili ng boto sa mga lugar na mala­lakas ang tiket ng Liberal Party… the people of QC do not deserve to be led by someone who won his or her position through vote-buying,” ayon pa rito. Kilala ang kanyang katunggali na gumagamit ng maruming taktika tuwing eleksyon at pakiki­sabwatan sa mga iligal na transaksyon gamit ang impluwensiya at pera.

No comments:

Post a Comment