Kaso vs. mayor-elect Herbert Bautista ibinasura ng piskalya
Friday, 14 May 2010
Ibinasura ng Quezon City prosecutors office ang kasong estafa at qualified theft laban kay Vice Mayor at ngayon ay Mayor-elect Herbert Bautista.
Sa desisyon ni Asst. City Prosecutor Joselito Bacolor, wala umanong probable cause sa reklamo laban kay Bautista na isinampa ni Carlos de Leon.
Magugunitang noong Enero 2001 nang isampa ang kaso laban sa actor turned politician at sa kanyang kapatid dahil umano sa pagiging mastermind sa pagnakaw ng tarpaulin printer na nagkakahalaga ng P1.2 million na pag-aari ng complainant.
Ayon sa piskalya, nabigo ang nagrereklamo na maka-establish na may direktang kinalaman ang incoming mayor ng Quezon City sa nangyaring nakawan.
Pinagbatayan ng piskalya ang testimonya ng isa sa mga testigo ng complainant na bumaligtad at sinabing puro paratang lang ang akusasyon laban kay Bautista at sa kapatid nito.
Napag-alaman na nitong nakaraang araw lang ay naiproklama na si Bautista bilang alkalde ng Quezon City.
No comments:
Post a Comment