Bistek at Joy B. wagi sa Quezon City, local candidates naiproklama na
Nina Angie Dela Cruz, Danilo Garcia, Doris Franche at Lordeth Bonilla
(Pilipino Star Ngayon)
May 12, 2010 12:00 AM
Maagang naiproklama ang mga lokal na kandidato sa Metro Manila.
Sa Quezon City pormal nang naiproklama kahapon ng umaga si Herbert Bautista bilang Mayor at si Ma. Josefina “Joy “ Belmonte bilang vice mayor sa lungsod.
Kapwa nakakuha ng landslide number ng boto sina Bistek at Joy B., kapwa ng Liberal Party.
Si Bistek ay nakakuha ng botong 497,965 habang ang kanyang kalabang si Michael Defensor ay nakakuha lamang ng 126,246 votes. Si Joy ay nakakuha ng botong 501,129 at tinambakan ang kanyang katunggaling si Aiko Melendez na nakakuha lamang ng 121,941 na boto.
Bukod kina Bistek at Joy, naiproklama na rin si Mayor Feliciano “SB” Belmonte bilang congressman ng 4th district ng Quezon City (99,474 votes), Bingbong Crisologo sa district 1, Winston Castelo sa District 2 at Bolet Banal sa District 3.
Sa kanyang panig, sinabi ni Bautista na prayoridad pa rin ng kanyang tanggapan na mapaunlad ang kabuhayan ng mga taga-Quezon City.
Ayon naman kay Joy Belmonte na bibigyan niya ng prayoridad ang pagsentro sa programang pang kalusugan, edukasyon, social services at pangkabuhayan, gayundin ay ang pagpapatuloy sa mga napasimulang programa ng kanyang ama noong alkalde pa ng lunsod.
Pinasalamatan din ng mga ito ang kanyang mga taga-suporta na patuloy na naniniwala sa kanilang kakayahan para mapaunlad ang mga taga QC.
Tuesday, May 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment