Monday, May 17, 2010

Kasong estafa n Bistek binasura ng korte

Kaso vs. mayor-elect Herbert Bautista  ibinasura ng piskalya

Friday, 14 May 2010  

Ibinasura ng Quezon City prosecutors office ang kasong estafa at qualified theft laban kay Vice Mayor at ngayon ay Mayor-elect Herbert Bautista. 

Sa desisyon ni Asst. City Prosecutor Joselito Bacolor, wala umanong probable cause sa reklamo laban kay Bautista na isinampa ni Carlos de Leon.

Magugunitang noong Enero 2001 nang isampa ang kaso laban sa actor turned politician at sa kanyang kapatid dahil umano sa pagiging mastermind sa pagnakaw ng tarpaulin printer na nagkakahalaga ng P1.2 million na pag-aari ng complainant.
Ayon sa piskalya, nabigo ang nagrereklamo na maka-establish na may direktang kinalaman ang incoming mayor ng Quezon City sa nangyaring nakawan.
Pinagbatayan ng piskalya ang testimonya ng isa sa mga testigo ng complainant na bumaligtad at sinabing puro paratang lang ang akusasyon laban kay Bautista at sa kapatid nito.
Napag-alaman na nitong nakaraang araw lang ay naiproklama na si Bautista bilang alkalde ng Quezon City.

 

 

 

Tuesday, May 11, 2010

BISTEK AT JOY WAGI SA KYUSI

Bistek at Joy B. wagi sa Quezon City, local candidates naiproklama na
Nina Angie Dela Cruz, Danilo Garcia, Doris Franche at Lordeth Bonilla
(Pilipino Star Ngayon) 
May 12, 2010 12:00 AM


Maagang naiproklama ang mga lokal na kandidato sa Metro Manila.
Sa Quezon City pormal nang naiproklama kahapon ng umaga si Herbert Bau­tista bilang Mayor at si Ma. Josefina “Joy “ Belmonte bi­lang vice mayor sa lungsod.
Kapwa nakakuha ng landslide number ng boto sina Bistek at Joy B., kapwa ng Liberal Party.
Si Bistek ay nakakuha ng botong 497,965 habang ang kanyang kalabang si Michael Defensor ay naka­kuha lamang ng 126,246 votes. Si Joy ay nakakuha ng botong 501,129 at ti­nam­bakan ang kanyang katunggaling si Aiko Me­lendez na nakakuha la­mang ng 121,941 na boto.
Bukod kina Bistek at Joy, naiproklama na rin si Mayor Feliciano “SB” Bel­monte bilang congressman ng 4th district ng Quezon City (99,474 votes), Bing­bong Criso­logo sa district 1, Winston Castelo sa District 2 at Bolet Banal sa District 3.
Sa kanyang panig, si­nabi ni Bautista na prayo­ridad pa rin ng kanyang tang­gapan na mapaunlad ang kabuhayan ng mga taga-Quezon City.
Ayon naman kay Joy Belmonte na bibigyan niya ng prayoridad ang pag­sentro sa programang pang kalusugan, edukas­yon, social services at pangka­buhayan, gayundin ay ang pagpapatuloy sa mga napa­simulang pro­grama ng kanyang ama noong al­kalde pa ng lunsod.
Pinasalamatan din ng mga ito ang kanyang mga taga-suporta na patuloy na naniniwala sa kanilang kakayahan para mapa­unlad ang mga taga QC.

Herbert: QC voters chose integrity and performance

COMMUTER EXPRESS
May 12, 2010 Wednesday


Herbert: QC voters chose integrity and performance


WHEN the Quezon City 1.1 million voters rendered their judgment yesterday, they resoundingly picked honesty and proven track record of their political leaders over phony promises and put-on persona of those who want to worm their way into controlling the city government.
Liberal Party mayoralty candidate Herbert ‘Bistek’ Bautista voiced confidence saying that the overwhelming majority of QC voters supported his call of clean politics even when the black propaganda machineries of his rivals went into overdrive in trying to destroy his reputation during the campaign.
“The public has gotten wise about these dirty tricks and they have spoken against those who tried to hoodwink them by peddling lies. I campaigned on legitimate issues while my opponents scraped the gutter to throw false charges against me. I have absolute trust that the truth will bear me out,” Bautista stressed.
He said his unblemished record in public service and tangible programs for the people has granted him a new mandate to continue serving them – this time as Quezon City ’s new chief executive.
Bautista added that a similar groundswell of public support has carried forward the rest of his team including his running mate, LP vice mayoralty bet Joy Belmonte and their lineup in the city council.

Saturday, May 8, 2010

VOTE-BUYING SA QC

Pangamba ni Bistek, vote-buying sa Quezon City!
Pilipino Star Ngayon
May 08, 2010 
 

MANILA, Philippines - Dalawang araw bago maghalalan, nanga­ ngam­­ba si Liberal Party mayoralty bet at Quezon City vice mayor Herbert ‘Bistek’ M. Bautista hing­gil sa umano’y malawa­kang “vote-buying” na planong gawin ng kan­yang kalaban kung saan may P100-milyong pon­do ang inilaan para sa operasyong ito.
Dahil dito, nanawa­gan si Bautista sa kan­yang mga kababayan, partikular sa mga botante ng Quezon City na hu­wag hayaang manipu­la­hin sila ng sinuman at bayaran ng salapi ang kanilang karapatang bumoto.
“Hindi na dapat tayo nagpapaloko sa mga taong gumagamit ng pera at dahas para la­mang manalo sa elek­syon. Konsensya natin ang kinabukasan ng QC. Our vote is not for sale – and Quezon City is not for sale!,” ayon kay Bautista.
Nasa P500-P1,000 ang sinasabing halaga ng bawat boto kung saan umiikot na sa buong lungsod ang operasyon nito. Dahil dito, nanini­wala si Bistek na ito ang tamang pagkakataon para manindigan ang mga taga-Kyusi para sa kanilang boto.
Napag-alaman din nito na ilang political leaders ng naturang kan­didato ay nagsisimula nang magsagawa ng karahasan at pananakot sa mga supporter at lider ng kanilang grupo.
“Desperado na ang katunggali natin at lanta­ran na ang pagbili ng boto sa mga lugar na mala­lakas ang tiket ng Liberal Party… the people of QC do not deserve to be led by someone who won his or her position through vote-buying,” ayon pa rito. Kilala ang kanyang katunggali na gumagamit ng maruming taktika tuwing eleksyon at pakiki­sabwatan sa mga iligal na transaksyon gamit ang impluwensiya at pera.