ENVIRONMENTAL and indigenous peoples’ groups launched a campaign against “pro-mining and anti-environment” senatoriables, particularly former environment secretary Michael Defensor.
“No to Mike “pu’Tol” Defensor, Walking pu’Tol king,” is the slogan of Alyansa Tigil Mina, a coalition of nongovernmental organizations against mining.
The group has come up with a colorful poster (see image) and stickers which will be distributed in universities and communities in the next few weeks. (Follow this link to read more ..(http://www.pcij.org/blog/?p=1557)
APAT na Pulis-Kyusi ang kinasuhan noon ni dating Presidential chief of staff at ngayo'y Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor nang paglabag sa batas matapos arestuhin ang apat na "prostitute" na umiikot sa naturang lungsod noong taong 2000. Mas pinaboran pa umano ng dating mambabatas na iligtas ang apat na callgirls na sinasabing isa rito ay madalas n'yang "pick-upin" sa halip na hayaan ang mga pulis na gawin ang kanilang mga trabaho at dahilan din upang umalma ang dating hepe ng Quezon City Police District na si Chief Supt. Edgar Aglipay . Nabatid na inaresto ng 4 na pulis-Kyusi habang nagpapatrulya ang mga ito sa kahabaan ng Timog Avenue ang 4 call girls dahil nagwawala sa kalye ang mga ito at umano'y pawang mga lango sa alak at droga na galing sa nightclub saka dinala sa presinto. Agad namang tinawagan ng isa sa mga babae si Defensor upang humingi ng tulong at sinabing binagansya sila ng mga awtoridad at hinihingan ng tig-P200 bawat isa. Upang pagtakpan ang isyu ng prostitusyon, kinasuhan pa umano ni Defensor ang mga kagawad ng QCPD ng illegal arrest at inakusahang kotong cops habang desidido naman si Aglipay na ayudahan ang kanyang mga tauhan sa paniniwalang ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho na itaboy ang iligal na prostitusyon sa lungsod.